MANILA, Philippines – Anim na bagong heneral ang nadagdag sa Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas at PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima ang promosyon ng anim na opisyal.
Kabilang sa mga opisyal na binabaan ng estrelya sa balikat sina PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, Region 2 Deputy Director for Administration P/CSupt. Bernardo Diaz, PNP Health Service Director P/CSupt. Teresita Dumlao, PNP Directorate for Plans Executive Officer P/CSupt. Rainier Idio, Region 1 Deputy Director for Administration P/CSupt. Allan Perreno at PNP Directorate for Integrated Police Operations- Eastern Mindanao Executive Officer P/CSupt. John Sosito.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima, inaasahan nyang mas pagbubutihin pa ng mga bagong promote na heneral ang kani-kanilang trabaho.
“Habang tumataas ang ranggo niyo, bumibigat din ang responsibilidad na nakatuon sa inyong mga balikat, the PNP leadership & your subordinates expect much from you but more than that the community that you serve and protect now expects much from you as well, huwag niyo silang biguin,” saad ng heneral.
Nagpasalamat naman si Mayor sa tiwalang ibinigay sa kanila ng pangulo.
“This will serve as a motivation for us to work better para sa serbisyo sa ating mamamayan.”
Samantala, kasama rin sa mga na-promote ang 16 police superintendents patungong police senior superintendent. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)