Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Gold trader at 3 negosyante, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

$
0
0

GRAPHICS: Ang halaga ng kabuuang gintong naibenta ng kinasuhang gold trader at ang idineklara lamang nitong kita. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong tax evasion ang isang gold trader dahil sa umano’y sadyang pagiwas na magbayad ng kabuoang P69-million na buwis sa pamahalaan.

Kinilala ng BIR ang inirereklamong gold trader na si Rizaldy Goloran Chua ng Rosario, Agusan Del Sur.

Ayon sa BIR, hindi idineklara ni Chua ang kanyang totoong kinita mula sa pagbebenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2009 at 2010.

Base sa imbestigasyon ng BIR, nakapagbenta ang gold trader ng mahigit P96-million na halaga ng ginto sa BSP ngunit wala pa sa kalahating milyon ang idineklara nitong income.

“A comparison of the gross sales he declared in his ITR in the amount of P190,532.00 in 2009 and P204,061.75 in 2010 with the income payments he received from BSP of P87.91 million in 2009 and P8.12 million in 2010 revealed that he grossly under-declared his sales by 46,039% or P87.72 million in 2009 and 3,879% or P7.92 million in 2010,” pahayag ni BIR Deputy Commissioner Atty. Estela V. Sales.

“Under Sec. 248(B) of the Tax Code, an under-declaration of taxable income by more than 30% constitutes a prima facie case of fraud tantamount to tax evasion,” dagdag nito.

Tatlong negosyante pa ang kasabay na sinampahan ng reklamo ng BIR dahil sa hindi rin pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Samantala, mahigit tatlong daang mga reklamo na ang naisampa ng BIR sa DOJ sa ilalim ng Run After Tax Evaders Program ng administrasyong Aquino.

Mahigit P64-billion na buwis ang hinahabol ng pamahalaan na makolekta mula sa mga naturang kaso, ngunit hanggang sa ngayon ay nakabinbin pa rin ang makaling bulto nito sa Department of Justice. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481