MANILA, Philippines – Umaasa si Vice President Jejomar Binay na matatapos na ang mga paninirang ginagawa sa kanilang pamilya.
Ito ang hiling ng pangalawang pangulo para sa kaniyang kaarawan, November 11.
Sinabi ni VP Binay na sana ay tigilan na ng kanyang mga detractor ang umano’y “demolition job” laban sa kanya at magpokus na lamang ang mga ito kung paano makakamit ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Muli namang dumistansya ang Malacañang sa isyu ng paninira sa bise presidente.
“Against best address to the one who he thinks that are the proponents of the propaganda against him,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Binigyang diin ng Malacañang na sa simula pa lamang ay wala itong ginagawang hakbang upang pasamain ang imahe ng Pangalawang Pangulo.
“We have nothing to do whats happening, we have more than enough in our place to engage extraneous activity,” dagdag ni Valte.
Ayon pa sa palasyo, hanggang sa kasalukuyan ay maayos ang relasyon ni Pangulong Aquino at VP Binay.
Patunay aniya dito ang pagdalo ng bise presidente sa ipinatawag na special meeting ng Pangulo kaugnay ng yolanda rehabilitation. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)