Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Prepaid electricity ng MERALCO, maaari nang magamit ng ilang consumers sa Metro Manila

$
0
0

Ipinakita sa media ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga ang ilan sa mga kontador ng prepaid electricity na ginagamit na ng ilang kabahayan sa Sampaloc sa Maynila. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mahigit isang libong consumer ng MERALCO ang gumagamit na ng “kuryente load” o prepaid electricity sa kanilang mga bahay.

Ito ay isang sistema kung saan maaaring mabili ng tingi ang kuryente sa partikular na halaga gamit ang kuryente load.

Maaaring magpaload sa MERALCO Bayad Centers o di kaya ay sa mga load retailer sa halagang P100, P200, P300, P500 at P1000. Walang expiration ang load kaya maaari itong magamit kahit gaano katagal, kailangan lamang mag maintain ng balance sa load.

Sinabi ni Mara Leviste Chan, Project Manager ng MERALCO Kuryente Load, pareho lamang ang halaga ng prepaid na kuryente at postpaid.

Ang kaibahan lang, sa pamamagitan ng prepaid electricity ay madaling ma-monitor ang pagkonsumo at gastos sa kuryente.

“Kung gusto nyo makatipid at mamonitor at makontrol ang pagkonsumo nyo ng kuryente, subukan nyo pong mag-apply ng Kuryente Load mababa lang lang po denomination nito,” ani Chan.

Araw-araw ay magpapadala ng libreng text message ang MERALCO upang malaman kung magkano na lamang ang iyong balance.

Magpapadala rin ng confirmation at reminder ang MERALCO sa pamamagitan ng SMS kapag nagpa-load o kung mauubos na ang load.

Sa mga nais magapply, walang kailangang bayaran na service deposit, libre ang installation fee, at kung maputulan ng kuryente ay wala ring reconnection fee.

Ayon sa MERALCO, ito ay prepaid kaya wala ka nang matatanggap na monthly electric bills.

Positibo naman ang reaksyon ng mga consumer ng MERALCO sa Kuryente Load.

“With Kuryente Load, bumaba yung konsumo namin the fact na meron kami monitoring everyday, from P3,000, P1,100 to P1,300 natitipid namin,” pahayag ni Archie Reyes, isa sa mga gumagamit ng Kuryente Load.

Sa ngayon ay nagagamit na ang prepaid electricity sa ilang barangay sa Rizal at Metro Manila at masusundan pa ito sa mga susunod na buwan.

Tiniyak naman ng MERALCO na secure ang sistema at hindi magkakaroon ng nakawan ng load.

Sa mga nais mag-apply ng prepaid electricity, maaaring magsadya sa MERALCO business center o di kaya’y tumawag sa kanilang hotline number 1622-7737. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481