MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga world leader mula sa sampung nasyon na miyembro ng Association of Southeast Nation (ASEAN) upang dumalo ng East Asia Summit (EAS) sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Ang ASEAN ay kinabibilangan ng Myanmar, Singapore, Vietnam, Brunei, Cambodia, Thailand, Indonesia, Pilipinas, Laos at Malaysia.
Bukod sa sampung bansa, kabilang rin sa dumalo sa summit ang Amerika, China, Japan, South Korea, India, Russia, Australia at New Zealand.
Ilan sa mga inaasahang paguusapan ang territorial issues sa South China Sea at ilang pang bagay ukol sa global security.
Layon rin ng ASEAN na hikayatin ang China na gumawa ng mas mapayapang paraan sa pag-angkin nito ng teritoryo sa mga pinag-aagawang isla. (UNTV News)