Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Manila port congestion, inaasahang mareresolba sa susunod na taon — Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: Manila container port (Willie Sy / Photoville International)

MANILA, Philippines – Dumaraing pa rin ang ilang truckers group dahil sa patuloy na nararanasang port congestion sa Maynila.

Ayon kay Abraham Rebao, Vice President for Truckers ng Aduana Business Club, halos walang nagbago sa sitwasyon sa Port of Manila sa kabila ng ipinalabas na executive order ng Malacañang noong Setyembre na ang Batangas at Subic Bay Freeport ay magsisilbing extension ng Manila Port.

“Yun pa rin ang sitwasyon ngayon, congested pa rin tayo sa dami ng barko,” saad nito.

Pangunahing problema pa rin ng mga trucker ang mga empty container na nakakadagdag sa dami ng mga nakaimbak na container sa daungan.

Ani Rebao, “May mga shipping lines talaga na hirap na hirap talaga kami na magsauli ng empty.”

Gayunpaman, sinabi ng Malacañang na malaki na ang improvement sa pagpasok at paglabas ng kargamento sa Port of Manila kumpara sa mga nakaraang buwan.

“A number of business people that we’ve approach also said there’s a significant movement yung mga goods nila nakukuha din nila,” saad ni Lacierda.

sinabi ni presidential spokesperson, sa ngayon inaasahan nila ang pagdating pa ng mga kargamento ngayong holiday season kayat tinatayang sa susunod pang taon maayos ang problema sa port congestion.

“Yes we expect a lot of more imports coming in and that’s why the work of the ports, the efforts to improve the port congestion will still continue,” pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

“But hopefully after the Christmas season after everything quiets down we’ll be able to relieve, remove all these congestion on the port,” dagdag pa nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481