Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

China, nag-alok ng Friendship Treaty at $20 billion loan sa mga miyembro ng ASEAN

$
0
0

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III habang kinakamayan si Chinese President Xi Jinping at Madame Peng Li Yuan sa pagdating nito sa AELM Welcome Dinner and Cultural Performance na bahagi ng 22nd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting (AELM) sa Beijing, China noong Nobyembre 10-11, 2014. (Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Nag-alok ng Friendship Treaty ang China sa mga miyembro ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) hinggil sa isyu ng territorial dispute sa mga isla sa South China Sea.

Handa ring magbigay ng loan ang China na nagkakahalaga ng $20 billion para sa mga infrastructure kabilang na ang mga road projects sa mga bansa sa Southeast Asia.

Ayon kay Chinese Prime Minister Li Keqiang, handang makipagkasundo ang kanyang bansa para sa pagbuo ng code of conduct sa South China Sea sa pamamagitan ng unanimous agreement.

Gayunman, iginiit pa rin ng China na dapat resolbahin ang maritime disputes sa pamamagitan ng bilateral talks at hindi sa pamamagitan ng arbitration.

Samantala, malamig naman umano ang naging reaksyon ng Pilipinas sa alok na ito ng China. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481