Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga pag-ulan sa ilang lugar sa Central at Southern Luzon, posibleng magdulot ng pag-baha at landslide – PAGASA

$
0
0

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/15/15) – Nakataas ngayon ang babala ng PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng pag-baha at landslide sa Cordillera, isabela, Nueva Viscaya, Quirino, Aurora at Quezon dahil sa malalakas na pag-ulang nararanasan.

Ito ay dahil sa paguulap na bahagi ng Tail-end of a cold front na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon.

Sa forecast din ng PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng CALABARZON, nalalabing bahagi ng Central Luzon at Cagayan, Marinduque, Camarines at Catanduanes.

Dahil naman sa Amihan ay makararanas ng mahinang pagulan ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Sa iba pang lugar sa bansa ay mararanasan naman ang papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.

Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan at Nothern coast ng Ilocos Norte.

Gayun din sa mga baybayin ng Isabela, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern coast ng Albay, Eastern coast ng Sorsogon, at ang Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Island. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE- 5.56am
SUNSET- 5.24pm

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481