UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/17/14) – Humina ang Amihan subalit umiiral parin ang Tail-end of a cold front na nakaaapekto ngayon sa dulong Hilagang Luzon.
Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan.
Sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog lalo na sa Silangang bahagi ng bansa.
Mapanganib namang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at Ilocos Provinces, La union at Pangasinan. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE: 5.57am
SUNSET: 5.24pm
END