Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Amihan, muling nagparamdam sa dulong hilagang Luzon  

$
0
0

 

satellite Image from PAGASA

satellite Image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/18/14) – Umiiral na naman ang Amihan at nagpaparamdam sa dulong Hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog lalo na sa Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, CARAGA at Silangan ng Davao.

Mapanganib namang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at Ilocos Provinces, La union at Pangasinan. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE: 5.58am

SUNSET: 5.24pm

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481