Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Joint resolution 21 para sa hiling na emergency powers ng Pangulo, pasado na sa House Committee on Energy

$
0
0

FILE PHOTO: House of Representatives Plenary Hall (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naging kumplikado man ang botohang ginawa ng House Committee on Energy, ipinasa ng komite ang joint resolution no. 21 sa botong 21 in favor, 1 against at 1 abstention.

Sa pagdinig, sinabi ni Energy Secretary Jerico Pelita na hindi na magdadalawang isip ang ang mga negosyante na sumali sa Interruptible Load Program (ILP), dahil nakapaloob sa joint resolution na ang Department of Budget and Management (DBM) na ang bahalang maglaan ng pondo na ibabayad sa mga ito.

Sa ngayon ay nasa 175.97 megawatts (MW) pa lang ang committed power ng mga negosyante, habang 64 MW pa ang kasalukuyang tinatrabaho.

Sa kabuuan, kailangan ng DOE ang 700-800 megawatt mula sa ILP.

Dagdag pa nito, sa ilalim ng Grid Code, 1400 megawatt lang ang reserve power capacity na kailangang punan ng DOE.

Subalit upang makasiguro, nais ng DOE na makakuha ng hanggang 1700 megawatts reserve energy upang maiwasan ang pagkakaroon ng brownout sa Luzon sa susunod na taon.

Paliwanag ni Petilla, hindi ito magiging magastos dahil ang babayaran lang sa ILP ay ang nakonsumong kuryente.

“Pagdating sa ILP, ‘pag di tumakbo ang ILP there is no cost to everybody unlike sa ancillary services like NGCP kahit hindi tumakbo may bayad. Itong ILP pag di ka tumakbo walang bayad.”

Ayon kay House Committee on Energy Chairman Rey Umali, kailangan nilang i-workout ang counter part sa Senado upang hindi na ito dumaan pa sa bicam.

Sa isang linggo ay isasalang na agad sa plenaryo ang joint resolution.

Target ng kongreso na maipasa ito sa lalong madaling panahon upang magamit na ng Pangulo.

“We will work on sa certification of the president within the week eh we will have to complete the report and by Wednesday we would already submit this to the Office of the President,” saad pa ni Umali.

Tumutol naman dito si BAYAN MUNA Partylist Rep Neri Colmenares at sinabing kukuwestiyunin nila ang nilalaman ng joint resolution sa plenary dahil sa hindi malinaw na mga datos na ipinakikita ng DOE.

Gayundin ang eksaktong halaga na babayaran ng publiko sa paggamit ng ILP na hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ng DOE.

“For me, I couldn’t understand till now, malayo na siya sa request ng presidente na 200-500 MW,” ani Colmenares. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481