Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lugar na pagdadalhan sa mga OFW na mula sa mga bansang may Ebola virus, inihahanda na ng DOH

$
0
0

Acting DOH Secretary Janette Loreto Garin (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines – Inaayos na ng Department of Health (DOH) ang lugar kung saan maaaring i-quarantine ang mga overseas Filipino worker (OFW’s) na uuwi sa bansa.

Paghahanda ito sakaling ipatupad na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory repatriation para sa mga OFW na nasa mga lugar na apektado ng Ebola virus.

Ayon kay acting Health Secretary Dr. Janet Garin, sa ngayon ay inihahanda na nila ang mga lugar na posibleng pagdalhan sa mga OFW na sasailalim sa mandatory quarantine.

Gayunpaman hindi binanggit ni Garin kung saang lugar ito.

Samantala, sinagot ni Dr. Garin ang isyu kaugnay ng panawagang dapat rin siyang sumailalim sa quarantine.

Ayon kay Garin, hindi siya sang-ayon na sumailalim din sya sa quarantine dahil magiging dahilan lamang ito upang lalong katakutan at layuan ng publiko ang mga UN peacekeepers.

“Wala syang delikado, wala siyang fear, I will not take the risk of going there if I know that I will be infected. I am there, Dr. Lee Suy went there, we clear Gen. Catapang cause we were 100% sure na hindi kami magkaka-Ebola,” paliwanag nito.

Nanindigan rin itong walang nilabag na protocol sa pagbisita niya noong November 16 kasama si DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy at AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang sa mga Filipino peacekeeper na naka-quarantine sa Caballo Island.

Paliwanag ni Garin, layunin ng kanilang pagbisita na mapawi ang agam-agam ng publiko, at hindi pandirihan at katakutan ang mga peacekeeper.

“As acting secretary of health, obiligasyon ko po na tugunan ang kanilang mga pangangailangan at tingnan kung mabuti ang kanilang mga kalagayan kasama na po ang pagsagot sa kanilang mga katanungan,” saad pa nito.

Naniniwala naman si PCOO Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na walang nilabag na health protocol ang DOH at AFP.

Aniya, “kaya nga po ipinahayag ko na po ngayon na sinusunod nila ang protocol ng WHO at ginagawa nila ang nararapat alinsunod sa kanilang tungkulin at alinsunod sa layunin na tiyakin na Ebola free ang ating bansa.”

Sa kabila ng ginawang pagbisita, hindi pa rin ipinahihintulot ng DOH ang media tour sa Caballo Island.

Muling ring nilinaw ng kagawaran na ang pagsusuot ng personal protective equipment o PPE ay kinakailangan lamang kapag nagpakita na ng sintomas ng Ebola virus disease ang isang pasyente. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Caballo Island, Cavite City (Google Map)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481