Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit isandaang pulis sa Region 3, iniimbestigahan ng NAPOLCOM

$
0
0

FILE PHOTOS: Members of Philippine National Police (UNTV News)

SAN FERNANDO CITY, Philippines – Hindi kinukunsinti ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region III ang mga pulis na lumalabag at umaabuso sa kanilang tungkulin.

Ayon kay NAPOLCOM Regional Director Atty. Manuel Pontanal, katunayan nito ay mahigit isandaang pulis sa Central Luzon ang kanilang iniimbestigahan dahil sa mga kasong administratibo.

Aminado naman si Pontanal na matagal ang proseso ng isinasagawang imbestigasyon sa mga pulis, ngunit hindi dapat mangamba ang mga complainant at ang mga mamamayan na mawawalang saysay ang kanilang mga reklamo.

“Marami po kaming kaso, on the average meron kami 100 to 108 ang active cases.”

Kadalasang natatanggap na reklamo ng NAPOLCOM ay ang diumano’y pananakit ng mga pulis at pangongotong.

Bunsod nito, pinayuhan ni Pontanal ang mga complainant na maging aktibo sa pakikipag ugnayan sa kanilang tanggapan.

Aniya, “Ang success kasi ng isang kaso ay magdidipende sa support and cooperation ng mga complainant, gagaling lang ang isang kaso pagka ang biktima at witnesses ay cooperative.”

Kabilang sa mga iniimbestigahan sa ngayon ng NAPOLCOM ang umano’y panggugulo ng isang chief of police at apat pang police officer sa isang bar ng Masantol.

Ang mga pulis sa rehiyon na may kinakaharap na administrative cases ay agad na tinatanggal sa serbisyo ng NAPOLCOM. (Joshua Antonio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481