MANILA, Philippines – Anim hanggang sampung taon na pagkakakulong ang naging hatol ng Sandiganbayan sa mga akusado sa Ozone Disco fire tragedy noong 1996 sa Timog Avenue sa Quezon City.
Sa 20 akusado, pito ang nahatulang mabilanggo kabilang ang dating Quezon City officials na nagbigay ng building permit at renovation permits kahit kinakitaan ito ng structural at fire safety deficiencies at ang dalawang stockholder ng disco club.
Ayon sa desisyon ng korte, lumabag ang mga ito sa Anti-Graft Practices Act.
Kinilala ang mga ito na sina Alfredo Macapugay, Donato Rivera Jr, Edgardo Reyes, Francisco Itlong, Feliciano Saguna, Petronillo de Llamao at Rolando Mamaid.
Dalawa rin sa mga stockholders ng Ozone Disco na sina Hermilo Ocampo at Ramon Ng ang nahatulan din ng pagkakakulong ng anim hanggang sampung taon. (UNTV News)
——————————
Erratum note to article “Ilang mga akusado sa Ozone Disco tragedy, hinatulang mabilanggo ng Sandiganbayan”
It has come to the attention of IAB that it erroneously reported 1999 as the date of the Ozone Disco tragedy. Please note that the correct date is 1996.