UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/22/14) – Apektado ng Easterlies o hangin na galing dagat pasipiko ang Silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang amihan naman ay nagpaparamdam sa dulong Hilagang Luzon.
Ayon sa forecast ng PAGASA, makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan.
Habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog lalo na sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, Caraga at Silangan ng Davao.
Inaalerto ang mga sasakyang pandagat dahil sa matataas na pagalon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at ang Northern coast ng Ilocos Norte.
SUNRISE – 6am
SUNSET – 5.23pm
END