UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 11/24/14) – Posibleng bukas ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang isang Low Pressure Area na nasa dagat Pasipiko.
Namataan ito ng PAGASA kaninang 4pm sa layong 1,300km sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, posibleng bukas din maramdaman na sa bansa ang trough o bahagi ng ulap nito.
Sa Huwebes at Biyernes naman ay posibleng maglandfall at dumaan ito sa Visayas.
Sa ngayon ay maliit pa ang tiyansa na maging bagyo ang LPA.
Samantala, ang buong bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog lalo na sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, CARAGA at Silangan ng Davao. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.01AM
SUNSET – 5.24PM
END