Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP Task Force USIG, kinalampag ng foreign media kaugnay ng Maguindanao massacre

$
0
0

Ang pakikipagdayalogo ng mga miyembro ng International Federation of Journalist o IFJ sa PNP Task Force USIG kaugnay ng Maguindanao Massacre. (PNP Photo)

QUEZON CITY, Philippines  —  Kinalampag ng International Federation of Journalist o IFJ ang PNP-Task Force USIG hinggil sa kaso ng Maguindanao massacre.

Nais ng mga ito na mapabilis ang pag-usad ng kaso at ang pagdakip sa 77 iba pang at large na mga suspect.

Ayon kina Mike Dobbie, Filipa McDonald at Jane Worthington, una na nilang kinausap si Justice Sec. Leila  de Lima at sinabing mabagal ang pagdinig sa kaso.

“We are speaking to the officers in command of Task Force USIG to learn more up to where they doing to investigate the media killings,” ani Dobbie.

Pahayag naman ni Jane Worthington, “Time had passed but still no significant change. Large number are at large that continue to affect the safety situation for journalist of the Philippines.”

Katwiran ng PNP Task Force USIG Secretariat, napakarami ng suspek kaya’t hindi ito maaaring madaliin tulad ng ibang kaso na may iisang suspek at iisang testigo.

“In fact, napakarami na nilang na-conduct na trial. I think nasa 206 court hearing was already conducted. Maraming accused so, naturally, matagal yung proseso,” pagtatanggol ni P/Supt. Henry Libay ng TF USIG.

Umapela din ang IFJ sa Philippine Media na mag-ingay, i-pressure ang mga kinauukulan, kasama na ang korte, awtoridad at Malakanyang at huwag  hayaang makaalpas sa pananagutan ang mga taong nasa likod ng karumaldumal na krimen.

Ang IFJ ay dumating sa bansa nitong Nobyembre 19 at agad na dumiretso sa Maguindanao, kinausap ang mga naulilang pamilya ng mga biktima at maging ang local media. (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481