Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MMDA, Malacañang at Judiciary, pinataob ang kani-kaniyang katunggali sa UNTV Cup Season 3

$
0
0

MMDA Black Wolves vs GSIS Furies (Photoville International)

MANILA, Philippines – Mabangis na pasimula ang isinalubong ng MMDA Blackwolves sa ikatlong season ng UNTV Cup matapos nitong talunin ang bagong koponan na GSIS Furies, 87 – 77, sa bakbakang isinagawa sa Makati Coliseum na isinahimpapawid nitong Linggo.

Matapos malamangan ng 1 point sa opening period, rumatsada ang MMDA hanggang mapalobo sa dalawampung puntos ang abante sa final quarter at tuluyang ipanalo ang laban.

Humataw ng 23 points at kumabig ng 7 rebounds ang 6-foot-2 center na si Joether Mallare upang pangunahan ang Blackwolves sa unang hakbang para sa kampanya sa titulo ng prestihiyosong charity basketball tournament.

“Masaya kami na nanalo kami sa first game. Siguro hindi pa naman, first game pa lang, mahaba pa ang tatahakin ng MMDA Blackwolves,” pahayag ni MMDA Blackwolves Head Coach Mandevill Martirez.

Malacanang Patriots vs BFP Firefighters (Photoville International)

Sinunog naman ng mainit na opensa ng Malacañang Patriots ang pwersa ng BFP Firefighters sa kanilang engkwentro sa ikalawang match ng triple-header, 70 – 65.

Nakalapit pa sa distansiyang tatlong puntos ang Firefighters sa natitirang 35.8 seconds ng laro, 66 – 63, ngunit naging mahigpit ang kapit ng Malacañang sa kalamangan upang itakas ang panalo.

Nagtala ng 16 points ang Patriots playmaker na si Marlon Berganio, kabilang ang pagpasok ng isang free-throw sa panalo ng Malacañang.

“Masaya ako sa panalo pero hindi pwedeng makuntento dito, kailangan pa naming mag improve para pagdating namin sa malalakas na teams ay mabigyan namin sila ng magandang laro,” saad naman ni Malacañang Patriots Head Coach Jenkins Mesina.

Judiciary Magis vs Senate Defenders (Photoville International)

Samantala, nanaig ang hard court brilliance ng Judiciary Magis kontra Senate Defenders sa final game ng second play date ng UNTV Cup season 3, 83 – 75.

Kumulekta ng 24 points si Magis forward John Hall, kabilang ang 11 points sa second quarter upang ilayo ng 17 points sa halftime ang Judiciary, 45 – 28.

Tumulong rin sa opensa ang dalawang former professional dribblers na sina Don Camaso na umiskor ng 13 points at Ariel Capus na tumikada ng 12 points upang dominahin ang laro kontra Defenders.

“Itong game na to, although medyo lumapit yung kalaban at least pinakita rin namin na pwede kaming contender sa championship,” ani Denniz Balason, ang Head Coach ng Judiciary Magis. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481