UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/25/14) – Sa loob ng 24 na oras ay posibleng maramdaman na sa Silangan ng Visayas ang isang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 880km sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, sa Huwebes at Biyernes naman ay posibleng dumaan ito sa Visayas at lalabas sa area ng Palawan.
Sa ngayon ay maliit pa ang tiyansa na maging bagyo ang LPA subalit nakikitang magiging bagyo ito kapag nakarating na sa West Philippine Sea.
Samantala, ang buong bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog lalo na sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, CARAGA at Silangan ng Davao. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.01AM
SUNSET – 5.24PM
END