Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

1,214 housing units, ipinamahagi ng NHA sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa ComVal

$
0
0

Ang ilan sa 1,214 housing units na ipinagkaloob ng National Housing Authority para sa mga biktima ng Bagyong Pablo. (UNTV News)

NEW BATAAN, Philippines – Pormal nang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) nitong umaga ng Martes ang kabuoang 1,214 duplex-type housing units sa New Bataan, Compostela Valley sa mga biktima ng Bagyong Pablo noong 2012.

Inaasahang mabibiyayaan ang mahigit isang libong indibidwal mula sa 7 barangay ng Maparat Compostela, Poblacion, Monkayo, Union, San Roque, New Bataan, Andap, New Bataan, New Visayas, Montevista, Kidawa at Laak.

Bawat house and lot package ay nagkakahalaga ng P220,000.

Pinangunahan ang turn over ceremony ni Cabinet Secretary, Jose Rene Almendras, NHA General Manager Atty. Chito Cruz at ibang lokal na opisyal sa probinsya.

Laking pasasalamat naman ng mga residente sa natanggap na pabahay na halos dalawang taon na nilang hinihintay.

Ang probinsya ng Compostela Valley ang lubhang naapektuhan nang manalasa ang Typhoon Pablo.

Umaabot sa mahigit anim na raan ang namatay, 70 hanggang 80 porsyento sa mga banana plantation ang nasira at aabot naman sa apat na bilyong piso ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Samantala, binisita rin ni Sec. Almendras ang Davao Oriental Province na sinalanta rin ni Pablo at ipinamahagi ang 538 housing units para sa mga residente ng tatlong barangay doon.

Sinabi ng kalihim na patuloy ang gagawing ayuda ng pamahalaan sa mga naapektuhang residente kabilang dito ang pagkakaloob ng pabahay at mga bagong paaralan. (Dante Amento / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481