UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5pm, 11/25/14) – Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Mindanao maging ang Samar at Leyte area dahil sa pag-lapit sa bansa ng LPA.
Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa 625km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa pagtaya ng weather agency, dadaan sa N.Mindanao-Visayas ang LPA mula bukas ng hapon hanggang sa Huwebes.
Babala ng PAGASA, posibleng magdulot ng mga pag-baha at landslide sa mga lugar na dadaanan.
Sa Biyernes ay inaasahang nasa Northern part na ito ng Palawan at lalabaw sa West Philippine Sea.
Ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog. ( Rey Pelayo / UNTV News)
END