Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Queenie, nagland-fall na sa Tandag City, Surigao del Sur

$
0
0
forecasted track of TD Queenie from PAGASA

forecasted track of TD Queenie from PAGASA

 

UNTV GEOWEATHER CENTER ( 6pm, 11/26/14) – Nagland-fall o tumama na ang bagyong Queenie sa Tandag City, Surigao del Sur ngayong 6pm.

Sa bulletin ng PAGASA, lumakas pa ang taglay nitong lakas ng hangin na ngayon ay nasa 55kph na at kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 24kph.

Ang signal number 1 ay nakataas sa Palawan kasama na ang Calamian group of islands, Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occ, Siquijor.

Sa area naman ng Mindanao ay nakataas din ang signal 1 sa Surigao del Norte kasama ang Siargao isl, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao Orriental, Compostella Valley, Dinagat prov, Camiguin, Missamis Orr, Missamis Occ, Bukidnon at Zamboanga del Norte.

Sa mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo ay makararanas ng mga pag-ulan at pag-bugso ng hangin.

Posible ring magdulot ng mga pagbaha at landslide sa mga lugar na nakataas ang signal ng bagyo gayon din sa iba pang lugar sa Mindanao.

Pinagbabawalan namang pumalaot sa mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pangdagat sa baybayin ng Visayas at maging sa northern at easten seaboards ng Mindanao dahil sa taas ng mga pag-alon.

Ngayong gabi ay nakikitang dadaan ito sa Northern Mindanao at bukas ng umaga ay sa katimugang bahagi ng Central at Western Visayas.

Sa Biyernes naman ng gabi ay posibleng lumabas na si Queenie ng Philippine Area of Responsibility. ( Rey Pelayo/ UNTV News)

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481