Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Queenie, lumakas pa habang palabas ng PAR; bagong LPA, magpapaulan sa Mindanao at Visayas

$
0
0

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER ( 11am, 11/28/14) – Lalo pang lumakas ang bagyong Queenie habang patungo sa boarder ng Philippine Area of Responsibility.

Kaninang 10am ay namataan ito ng PAGASA sa 220 km North Northwest ng Puerto Princesa City.

Taglay ang lakas ng hanggin na 65kph at pagbugso na aabot sa 80kph.

Tinatahak nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 26kph at inaasahang lalabas ng PAR mamayang gabi.

Ang signal number 1 ay nakataas parin sa Palawan kasama na ang
 Calamian Group of Islands
 at Cuyo Islands.

Samantala, nasa PAR narin ang isang LPA na namataan naman sa 770km sa Silangan ng Davao City.

Sa loob ng 24 na oras ay magdudulot ito ng katamtaman hanggan sa malalakas na pag-ulan sa Samar, Leyte, Central Visayas at Mindnao. (Rey Pelayo / UNTV News)

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481