UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/28/14) – Patungo na sa West Philippine Sea ang bagyong Queenie.
Sa bulletin ng PAGASA, kaninang 4am ay namataan ang bagyo sa 120km North ng Puerto Princesa City.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph at kumikilos West Northwest sa bilis na 24kph.
Sa ngayon ay nakataas parin ang signal number 1 sa Palawan kamasa ang Calamian Group of Islands at Cuyo Islands.
Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na si Queenie sa PAR at tatahakin ang direksyon patungong Vietnam.
Matataas parin ang mga pagalon sa mga baybayin ng Palawan kaya’t mapanganib na pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Samantala, makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mindoro.
Ang iba pang lugar sa bansa ay magkakaroon din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may thunderstorms.
Isang panibagong Low Pressure Area naman ang namataan ng PAGASA sa 1000 km east southeast ng Southern Mindanao.
Binabantayan ng weather agency ang paggalaw ng LPA kung ito ay lalakas pa o magiging bagyo. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.03am
SUNSET – 5.24pm
END