UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 11/28/14) – Makararanas ng malalakas na pag-ulan ang Mindanao maging ang Samar, Leyte at Central Visayas.
Ito ay dahil sa epekto ng Low Pressure Area na kaninang 4pm ay namataan ng PAGASA sa 480km sa Silangan ng General Santos City.
Ang Panay at Negros island kasama ang Bicol region at Palawan ay makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may thunderstorms.
Samantala, palabas na ngayong gabi sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong si Queenie at patungo na ito sa Vietnam.
Matataas parin ang mga pag-alon sa kanlurang baybayin ng Palawan kaya’t mapanganib na pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at sasakayang pandagat. (Rey Pelayo /UNTV News)
SUNRISE – 6.04am
SUNSET – 5.24pm
END