Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Napoles, nais gawing testigo ang isang tauhan ng Landbank

$
0
0

Janet Lim Napoles, PDAFscam suspect (UNTV News)

MANILA, Philippines – Binabalak ni Janet Lim Napoles na iprisinta bilang testigo ang isang tauhan ng Landbank upang kontrahin ang naging testimonya sa korte ngayong Biyernes ni PDAF scam whistleblower Marina Sula.

Sa pagpapatuloy ng testimonya ni Sula sa bail hearing ni Napoles, sinabi nito na si Napoles ang totoong mayari ng mga bank accounts ng pekeng NGOs kung saan idinedeposito umano ang PDAF ng mga kongresista.

Sinabi pa ni Sula na minsan ay pumunta sila ni Napoles sa Landbank Greenhills at narinig nitong binibigyan ng instruction ni Napoles ang isang empleyado doon na huwag pahihintulutan ang anomang withdrawal sa mga account ng NGOs nang walang abiso niya.

Dagdag pa ni Sula, si Napoles umano ang pumipirma ng withdrawal slips ng banko at hindi siya.

Itinanggi naman ni Napoles ang alegasyon na ito ni Sula.

“Halimbawa ikaw account mo magkasama tayo tuwing withdraw mo iko-confirm ko? Parang wala ata sa batas ng bangko, hindi naman po ganun ang bangko. Bigyan naman po natin ng respeto ang bangko na account ng ibang tao ako magko-confirm,” saad ni Napoles.

Sinabi rin ni Sula na si Napoles ang siyang naguutos sa kanila na mameke ng mga pirma sa mga dokumento na may kinalaman sa mga transaksyon sa PDAF.

Dahil dito, hinamon naman ng mga mahistrado si Sula at inutusan itong gayahin ang pirma ng isa sa miyembro ng media na nasa pagdinig.

Iniabot ng mga mahistrado sa media ang isang papel na nagpapakita sa ginawang panggagaya ni Sula ng pirma.

Hinanapan naman ng mga mahistrado si Sula ng katibayan na si Napoles nga ang nagbibigay sa kanila ng utos na gawin ang mga ito.

Paliwanag ni Sula, puro verbal instructions lang ito ni Napoles sa kanyang mga emplayado dahil inabisuhan umano siya ng kanyang legal adviser na si Atty. Marciano Delson na huwag pumirma o mag-issue ng written instructions upang walang ebidensya laban sa kanya.

Itinanggi rin ito ni Napoles at sinabing hindi niya legal adviser ang nabanggit na abogado.

“Last ano ang sinirain niya ay isang abogado, justice. Ngayon si Atty. Racky Matino. Kahit tanungin ninyo kung sino ang nakakakilala kay Atty. Racky hindi po siya ganoon,” pahayag pa ni Napoles.

“Iyong anak niya, member ng choir ng simabahan. So isa kami sa mga benefactors noon.”

Samantala, gaganapin sa susunod na Huwebes ang huling pagdinig ng 3rd division para sa taon na ito sa mosyon ni Janet Lim Napoles na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481