Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagong bagyo, posibleng pumasok sa PAR sa Biyernes — PAGASA

$
0
0
satellite image from NOAA

satellite image from NOAA

 

UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 12/01/14) – Nabuo ang panibagong bagyo sa dagat Pasipiko.

Ayon sa PAGASA, namataan ito sa layong 3,200km sa Silangan ng General Santos City.

Tinatayang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes subalit sa direksyong ipinakikita ay dadaan lamang ito sa kanto ng PAR at posibleng hindi na mag-landfall o tumama sa bansa.

Ito na ang pang labing walong (18) bagyo ngayong taon kapag pumasok na ito sa PAR at papangalanang “Ruby”. (Rey Pelayo/UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481