MANILA, Philippines – Nagpatupad ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw ng Lunes, Disyembre 1.
Binawasan ng Petron ng P1.20 ang presyo ng kada kilo ng gasul at fiesta gas.
P0.65 kada kilo naman ang itatapyas nito sa kada litro ng Auto-LPG
Kaparehong halaga rin ang ibinawas ng Shell sa kanilang Solane LPG na katumbas ng P13.20 sa kada 11-kilogram na tangke. (UNTV News)