Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Big band music concert ng Fil-Am Symphony Orchestra, sinuportahan ng mga Filipino American sa Los Angeles

$
0
0

Upper half: Fil-Am Symphony Orchestra; Lower Left: Ruben Nepales, Board of Director ng FASO; Lower Right: Robert Shroder, FASO Musical Director/Conductor (UNTV News)

LOS ANGELES, California – Namalas ang hilig sa pagsayaw ng mga Filipino-American sa isinagawag concert ng Fil-Am Symphony Orchestra na ginanap sa Glendale Hilton sa Los Angeles, California kamakailan lamang.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Filipino-American Symphony Orchestra o FASO ay nagtanghal na tinawag na “Swing the Night Away” kung saan ay tumugtog sila ng big band music na sinabayan ng mga Pilipinong dance aficionados.

“This is only we can prove that the orchestra is really versatile we can do different types of music not only classical we can do jazz, big band & pop music,” nakangiting pahayag ni Robert Shroder, FASO Musical Director/Conductor.

Ang FASO ang kauna-uanahang Filipino orchestra sa labas ng Pilipinas na naglalayong makahikayat ng orchestral music at cultural diversity sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga Fil-Am artists sa mga educational at community program.

“We’re trying to build a youth orchestra, so one of our reasons to have this concert is to response for that & to sustain our orchestra,” pahayag ni Ruben Nepales, Board of Director ng FASO.

Ilan sa mga tinugtog ng FASP ang Moonlight Serenade, Take The “A” Train, In The Mood, How High The Moon, Oye, Como Va.

Ilan sa guest performer sa naturang conert si Alma Silos at UP Concert Chorus na umawit ng Days of Wine and Roses, Misty, Secret Love, at Moon River.

“We’re doing this fund-raising para sa ming Summer Youth Music Camp, para makapag-aral sila ng music at the same time maturuan namin,” saad pa Shroden.

Samantala, pinayuhan rin nito ang mga magulang na may mga anak na may talento sa musical instruments na suportahan at hikayatin upang malinang ang kanilang kakayahan.

“Encourage your children, lalo na kung mahilig, lalo na sa Pilipino, maraming natural talented na bata. Ikuha nyo ng magandang teacher I know minsan hindi available mga instrument sa’tin, find ways baka may kamag-anak kayo sa Amerika mabigyan kahit used na instruments that will help them.” (Christie Rosacia / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481