UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5pm, 12/01/14) – Mas lumakas pa ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ito ay nasa layong 3,000 km sa Southeast ng Southern Mindanao.
Umangat na ito sa Storm category na taglay ang lakas ng hangin na 65kph at pagbugso na aabot sa 80kph.
Tinatahak ang direksyong West Northwest sa bilis na 25kph.
Ayon sa weather agency, posibleng sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga ay pumasok na ito sa PAR.
Posibleng magland-fall o tumama ito sa Visayas o lumiko patungo ng Japan pagpasok sa PAR.
Samantala, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON at aurora.
Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Ilocos Norte at Apayao dahil sa Amihan o Northeast Monsoon.
Sa iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog. (Rey Pelayo/UNTV News)
SUNRISE – 6.06am
SUNSET- 5.25pm
END