Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Ruby, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility

$
0
0

Screenshot_2014-12-04-05-06-12-1

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/04/14)- Pumasok na sa Philippine Area of Resppnsibility kaninang 3am ang bagyong “Ruby” na may international name na “Hagupit”.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 942km sa Silangan Hinatuan Surigao del Sur.

Lalo pa itong lumakas na taglay ang hangin na 175kph at pagbugso na aabot sa 210kph.

Bahagyang bumagal ang pagkilos sa 25kph at tinatahak parin ang direksyong west northwest.

Screenshot_2014-12-04-05-25-03-1

Sa ngayon ay 75% parin ang tyansa na maglanfall o tumama ito sa lupa at 25% naman ang posibilidad na ito ay lumihis at tahakin ang direksyon patungong Japan.

Ayon sa weather agency, posibleng sa sabado ay maglandfall si Ruby sa Eastern Samar.

Nauna ng sinabi ng PAGASA na maaaring magdulot ng 3-4 na metro ng storm surge ang bagyo sa mga lugar na dadaanan nito. (Rey Pelayo/ UNTV News)

 

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481