Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga lugar na nakataas ang signal ng bagyo, nadagdagan pa; Typhoon “Ruby”, lalo pang lumakas

$
0
0

gw5pm120414_

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/04/14) – Lalo pang lumakas ang bagyong Ruby habang patuloy ang paglapit nito sa bansa.

Sa bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo kaninang 4pm sa layong 720km sa Silangan ng Surigao City.

Taglay na nito ngayon ang lakas ng hangin na 205kph at pagbugso na aabot sa 240kph.

Bumagal pa ang paggalaw nito sa 15kph at tinatahak ang direksyong West Northwest.

Nakataas ngayon ang Signal number 2 sa (Visayas) Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern leyte, (Mindanao) Dinagat at Siargao island.

Signal number 1 naman sa (Luzon) Catanduanes, Albay, Sorsogon, Ticao island, Masbate, (Visayas) Northern Cebu kasama ang Bantayan island, Camotes island at Bohol, (Mindanao) Surigao del Norte/del Sur, Camiguin island at Agusan del Norte.

Ayon sa weather agency, sa loob ng 24-36hrs ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mga lugar na nakataas ang signal ng bagyo.

Inaalerto din ang mga nakatira sa mga bulubunduking lugar dahil sa posibleng pagguho ng lupa at biglaang pagbaha.

Nasa 3-4 na metro ang posibleng idulot na storm surge sa mga dadaanan ng bagyo kaya’t mapanganib ito para sa mga nakatira sa mga coastal areas.

Bawal ding pumalaot sa mga baybayin ng Northern Luzon, Silangang baybayin ng Central at Southern Luzon, buong baybayin ng Visayas at ang Northern at Eastern seaboards ng Mindanao dahil sa matataas na pagalon na dulot ng bagyo at Amihan.

Sa Sabado tinatayang maglalandfall o tatama ang bagyo sa Eastern Samar-Northern Samar area. (Rey Pelayo / UNTV News)

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481