UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/05/14) – Destructive o mas magiging mapaminsala ang bagyong “Ruby” sa mga dadaanan nito sa bansa kung mananatiling mabagal ang pag-usad.
Kaning 4am ay nasa 13kph lamang ang paggalaw ng bagyo sa direksyong West Northwest papalapit sa bansa.
Namataan ng PAGASA si Ruby sa layong 485km (5am) sa Silangan ng Borongan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na 215kph at pagbugso na aabot sa 250kph.
Nakataas ang Signal number 2 sa Sorsogon, Ticao island, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Norhern Cebu, Cebu city, Bantayan Island, Camotes island, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat island at Siargao island.
Signal number 1 naman sa Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Camsur, Burias island, Romblon, Capiz, Iloilo, Negros Orriental/Occidental, rest of Cebu, Siquijor, Bohol, Missamis Orriental, Agusan del Sur at Camiguin island.
Ayon sa weather agency, kung mabagal ang bagyo ay magkakaroon ito ng mas mahabang oras para manalasa sa dadaanan.
Sa linggo ng hating gabi posibleng tumama ang bagyo sa Eastern Visayas subalit mas maagang mararamdaman ang ourter cloud band o dulong bahagi ng ulap nito.
Tinatayang nasa 3-5 metro ang taas ng storm surge na idudulot ng bagyo kaya’t mapanganib ito sa mga nakatira sa mga coastal areas. (Rey Pelayo/ UNTV News)
(Maaaring mabasa ang mga lugar na dadaanan ng bagyo sa link na ito: http://www.untvweb.com/news/babala-ng-bagyo-itinaas-na-sa-ilang-lugar-sa-bansa-habang-papalapit-sa-bansa-si-ruby/ )
END