Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Ruby, napanatili ang lakas habang mabagal na kumikilos papalapit ng bansa

$
0
0

gwsi5am120614_

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/06/14) – Napanatili ng bagyong Ruby ang taglay na lakas ng hangin na 195kph at may pagbugso na aabot sa 230kph.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 240km sa Silangan ng Borongan, Eastern Samar at kumikilos pakanluran sa bilis lamang na 10kph.

Kahapon ay bahagya itong humina mula sa lakas ng hangin na 215kph at pagbugso na 250kph.

Sa ngayon ay nakataas ang signal #3 sa Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Signal #2 sa Catanduanes, Albay, Sorsogon  Masbate Ticao Island, Biliran,
Leyte, 
Southern Leyte,
Northern Cebu,
Cebu City, Bantayan Island,
Camotes Island at Dinagat Province.

Ang signal #1 ay nakataas naman sa Camarines Norte
Camarines Norte, Camarines Sur, Burias Island, Romblon,
Southern Quezon, Marinduque, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, Aklan,Negros Oriental, Negros Occidental, Rest of Cebu, Siquijor, Bohol, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Camiguin.

rubytrack5am120614_

Kung hindi magbabago ang direksyon ay inaasahang tatama ito sa Easten Samar-Northern Samar area sa Linggo ng Umaga.

Maaari parin itong magdulot ng storm surge na aabot sa 4.5 meters.

(Narito ang LINK na naglalaman ng mapa at inundation o maaaring abutin ng tubig dagat kung sakaling dumaan ang bagyo:

http://blog.noah.dost.gov.ph/2014/12/04/official-list-of-localities-typhoon-ruby-hagupit-storm-surge-advisory/)

Ang Eastern at Central Visayas, Bicol region at mga probinsya ng Dinagat, Quezon, Romblon at Marinduque ay makararanas ng masungit na lagay ng panahon habang ang Western Visayas, CARAGA at Camiguin ay magkakaroon ng mga pag-ulan at pag-bugso ng hangin.

Ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos ay magkakaroon ng mahinang mga pag-ulan habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481