UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/07/14) – Bahagya pang nabawasan ang lakas ng bagyong Ruby matapos itong maglandfall 9.15pm kahapon sa Dolores, Eastern Samar.
Namataan ang bagyo kaninang 4am sa vicinity ng Calbayog City taglay ang lakas ng hangin ng 60kph at pagbugso na aabot sa 195kph.
Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 15kph.
Ayon sa weather agency, mapaminsala parin ang bagyo dahil nasa Typhoon category parin ito.
Sa ngayon ay nakataas ang Signal number 3 sa Romblon, Catanduanes,Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Burias Island, Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte at Biliran.
Posibleng magdulot ng hanggang 3 metro ng storm surge at ngayon umaga ay inaasahang tatama ang sentro ng bagyo sa Masbate.
Signal # 2 naman sa Camarines Norte, Southern Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Laguna Batangas, Northern Antique, Aklan, Semirara Grp. of Islands, Capiz, Northern Iloilo, Northern Cebu, Cebu City, Bantayan Island, Camotes Island at Southern Leyte.
Posible ring magdulot ng hanggang 2 metro ng storm surge sa mga coastal area.
Sa Metro manila naman ay nakataas na ang Signal number 1 kasama ang Pampanga, Bulacan Rest of Quezon, Rizal, Bataan, Cavite, Lubang Island, Calamian Group of Islands, Cuyo, Rest of Antique, Rest of Iloilo, Guimaras, Negros, Occidental, Negros Oriental, Rest of Cebu, Bohol, Surigao del Norte Siargao Island at Dinagat Province.
Makakaramdam na ng pagbugso ng hangin sa loob ng 36 na oras at paminsan-minsang mga pag-ulan.
Miyerkules pa ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. ( Rey Pelayo / UNTV News)
END