Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sentro ni Ruby, tumama na sa Masbate; lakas ng bagyo, nabawasan pa

$
0
0

 

satellite image from NOAA

satellite image from NOAA

UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 12/07/14) – Tumama na ang sentro ng bagyong Ruby sa Cataingan, Masbate kaninang 10am.

Namataan ang bagyo kaninang 10am sa 20km sa Silangan ng Cataingan, Masbate taglay ang lakas ng hangin na 140kph at pagbugso na aabot sa 170kph.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 15kph.

Mamayang 8-10pm ay tatama naman ang sentro ng bagyo sa Sibuyan Island, Romblon.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal number 3 sa Romblon, Albay, Sorsogon, Masbate, Burias Island, Ticao Island, Northern Samar at Samar.

Posibleng magdulot ng hanggang 3 metro ng storm surge at ngayon umaga ay inaasahang tatama ang sentro ng bagyo sa Masbate.

Signal # 2 naman sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte,
Southern Quezon, Oriental Mindoro,
Occidental Mindoro,
Laguna
Batangas,
Aklan,
 Capiz,
Northern Cebu,
Cebu City,
Bantayan Island, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran.

Posible ring magdulot ng hanggang 2 metro ng storm surge sa mga coastal area.

Sa Metro manila naman ay nakataas na ang Signal number 1 kasama ang Pampanga,
Bulacan,
Rest of Quezon,
Rizal,
Bataan,
 Northern Palawan, Nueva Ecija, Zambales, Antique, Iloilo, rest of Cebu, Bohol, Dinagat province at Siargao island.

Miyerkules pa ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. (Rey Pelayo / UNTV News)

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481