Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

MMDA at emergency responders, handa na sa pananalasa ng Bagyong Ruby

$
0
0

Ang pagpupulong-pulong ng MMDA at mga volunteer rescue units na kasama din sa mga ito ang UNTV News and Rescue Team. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang iba’t ibang rescue group sa mga lugar sa Metro Manila kabilang ang UNTV News and Rescue Team upang umasiste sa mga kababayan nating maaapektuhan ng Bagyong Ruby.

Nitong Linggo ay ipinakalat na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rescue responders sa ibat ibang lugar sa kalakhang Maynila.

Ginamit ng MMDA ang four-quadrant scheme para sa mas mabilis na pagresponde.

Pangunahing tinututukan ng mga ito ang mga flood prone area, landslide-prone areas at maging ang coastal areas sa labing-anim na lungsod kabilang ang Caloocan, Navotas, Valenzuela, Malabon, Quezon City, Marikina, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Maynila, Las Pinas, Muntinlupa, Pasay, Paranaque at Taguig.

Ang mga emergency responder ay binubuo ng Civil Defense Action Group, Association of Philippine Volunteers Fire Brigade, MMDA at Local Government Unit Responders, at 101st Search and Rescue Responders.

“Lahat naka-alert na lahat ng barangay, lahat ng kapitan naka-ready kung sakaling malakas talaga matamaan ang Metro Manila eh mag pre-emptive evacuation kami,” pahayag ni Ronalyn Ramores, Rescuer ng Las Piñas DRRMO.

“Ginawa na namin ngayon preparation i-evacuate na namin ang lahat ng mga tao na nasa mababa, prone area, then shelter lang sa amin ang solid na istraktura, so area naman namin nasasakupan kelangan pwersahan nang ilikas,” saad naman ni Cmr. Falibser Saren, 101st Search & Rescuer.

Maging ang UNTV News and Rescue Team ay nakahanda ng umalalay sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ni Jeffrey Santos, Operations Manager ng UNTV Rescue Team, “Sa ngayon po dahil naka-deploy na po tayo nakaready na ang rubber boats natin, mga volunteers for water rescue and WASAR Water Search and Rescue natin.”

Samantala, bukod sa mga naka-standby na mga rescue equipment, rubber boats at mga sasakyan na gagamitin sa pagresponde ay naglagay na din ang MMDA ng mga mobile pump sa mga bahaing lugar upang makontrol ang pagbaha.

Pinaigting din ng MMDA ang information dissemination sa publiko kaugnay sa pag-rescue ng mga responder sa panahon ng bagyo para sa agarang pagresponde.

“Isa sa magandang nangyari dito kung paano sa communication kung minsan nagkakaroon ng redundancy specially sa pagtawag ng rescue or pagtawag ng tulong minsan sabay-sabay andun for the same situation,” paliwanag ni Corazon Jimenez, General Manager ng MMDA. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481