MANILA, Philippines – Nagparamdam ng pwersa ang season 1 champion Judiciary, ang 2-time runner up PNP at ang bagong team na GSIS Furies sa pagbabalik ng UNTV Cup season 3 sa Ynares Sports Arena na sumahimpapawid nitong Linggo.
Tinambakan ng powerhouse team na Judiciary Magis ang defending champion na AFP Cavaliers, 93-76.
Nangibabaw si Don Camaso na nakapagtala ng anim na 3 points para sa kabuuang 24 pts. bukod pa sa 13 rebs.
Tumulong sina Ariel Capus na may 24 pts. at 3 stls .at si Jon Hall na may 19 pts. at 9 rebs.
Si Alvin Zuniga naman ang nanguna sa AFP sa kanyang 21 markers.
Unang game, pinagpraktisan lamang ng PNP Responders ang HOR Solons, 110-64. Best player si 2-time MVP Ollan Omiping na may 14 pts., 3 asts., at 3 stls.
Sa match up naman ng dalawang bagong teams, pinataob ng GSIS Furies ang NHA Builders, 86-81. Outstanding performance ang ipinamalas ni GSIS guard Tristan Hernandez na humataw ng 25 pts., 3 rebs. at 2 stls. upang mabalewala ang isa na namang super game ni NHA ace point guard Waldemar Tibay na gumawa ng 26 pts., 13 rebs., 6 asts., at 9 stls.
Top 1 sa Group A standings ang PNP at Malacanang hawak ang 2-0 record. May 1-1 mark ang BFP, habang parehong winless ang DOJ at HOR sa dalawang laro. Solo lider naman sa Group B ang Judiciary na may 2-0 slate, 1-0 ang MMDA at tabla ang AFP, Senate at GSIS sa 1-1 mark, habang 0-3 naman ang NHA. (Rheena Villamor / Ruth Navales, UNTV News)