UNTV WEATHER CENTER (7pm, 12/08/14) – Tumama na ang sentro ng bagyong Ruby sa Laiya, Batangas.
Sa ngayon ay muling humina ang bagyo sa 85kph at may pagbugso na lamang na 100kph.
Tinatahak nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 13kph.
Ayon sa PAGASA, pagkatapos nitong tumama sa Batangas ay lalabas na ito ng West Philippine Sea.
Ngayong 10-11pm ay mararamdaman sa Metro Manila ang katamtaman hanggan sa paminsan-misang malalakas na pag-ulan dahil sa mga oras na ito pinakamalapit ang sentro ng bagyo.
Nakataas parin ang Signal #2 sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Bataan, Laguna, Southern Quezon, Marinduque, at Northern Oriental Mindoro kasama na ang Lubang island.
Ang Signal # 1 naman ay nakataas sa Zambales, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Rizal, Rest of Quezon, rest of Mindoro Provinces at Romblon.
Samantala, panibagong namumuong ulap ang binabantayan ng PAGASA sa dagat pasipiko.
Ayon sa weather agency, sumasailalim pa sa kanilang analysis kung mabubuo ba ito bilang LPA o bagyo. ( Rey Pelayo / UNTV News)