Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Ruby, isa na lamang Tropical Depression dahil sa patuloy na paghina; panibagong Cloud cluster sa labas ng PAR, Binabantayan ng PAGASA

$
0
0

Screenshot_2014-12-09-05-31-40-1

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/09/14) – Isa na lamang Tropical Depression ang bagyong Ruby dahil sa patuloy na paghina.

Sa ngayon ay nasa 60kph na lamang ang taglay nitong lakas ng hangin at kumikilos pakanluran sa bilis na 13kph.

Ngayong 5-6am ay inaasahang tatama ito sa lubang island at sa Miyerkules ng gabi ay inaasahang nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Nakataas parin ang singnal #1 sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro at Occidwntal Mindoro including Lubang island.

Ngayong araw ay makakaranas na ng improvement ng lagay ng panahon ang mga lugar na dinaanan ni Ruby at mamayang hapon o gabi ay mababawasan na adin ang mga pagulan sa mga lugar na nakataas ang signal ng bagyo.

Samantala, may panibagong cloud cluster o paguulap na binabantayan ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility. ( Rey Pelayo/ UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481