Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagdinig ng Senado sa coco levy fund, tinapos na

$
0
0

FILE PHOTO: Mga magniniyog ng grupong KM 71 sa kanilang pagmamartsa bilang bahagi ng sa pagsusulong ng panukalang batas upang mapakinabangan ng mga magniniyog ang coco levy fund. (Willie Sy / Photoville International)

MANILA, Philippines – Tinapos na ng Senate Committee on Agriculture and Food ang pagdinig ukol sa P100-billion coco levy fund.

Muli namang tiniyak ni Senador Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food na maipapasa ang panukala sa first quarter ng 2015.

“Gusto namin yung funds dito diretsong diretso ang benefits sa farmers because they are the poorest in the country earning 50 pesos a day,” pahayag ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Maseserbisyuhan ng panukalang batas ang interes ng mahigit 3.5 million coconut farmers kumpara sa Executive Order na maaring mabago oras na magpalit ng administrasyon.

“If they bring out an EO before us then it will only be effective until yung legislation napasa, so parang interim so there’s no real conflict kasi ang intention nila ng EO eh implement na rin as soon as possible, pero as soon as may legislation eh legislation will prevail,” saad pa ng senadora.

Si Senador Villar ang may akda ng Senate Bill No. 2126 (Coconut Farmers and Industry Development Act) para sa pagpapatayo ng trust fund na pambayad sa pagpapatupad ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Isinasaad rin sa panukalang batas ang pagtatatag ng Coconut Farmers and Industry Fund.

Sa ilalim nito, magiging handa ang Coconut Farmers and Industry Development Plan sa pagpapalago at rehabilitasyon ng industriya ng niyog.

Kabilang rito ang isang national program para sa coconut productivity, replanting, rehabilitation, scientific at medical research, integrated downstream processing, at market promotion.

Kasama rin dito ang mga lokal na programa na direktang magbibigay ng pakinabang sa maliliit na coconut farmers at farm workers, gaya ng medical at health at life insurance services, educational scholarships para sa deserving students mula coconut farmers, o beneficiaries ng coconut levy funds.

Pabor naman si Senate President Ralph Recto na magkaroon ng representative ang mga coconut farmer sa nasabing ipapasang batas.

Aniya, “This is public funds eh so kailangan gobyerno yan, but of course dapat may representative sa coconut farmers or coconut industry dito.”

“First things first dapat audit muna natin lahat ito, magkano ba talaga pinaguusapan natin, ang maliwanag na accounted for is P72-24 billion eh we’re estimating P27 billion the remaining,” dagdag pa nito.

November 24 nitong taon nang magtungo sa Senado ang KM71 marcher upang makipagdayalogo kina Senador Villar at Sen. Bam Aquino ukol sa pagsulong ng panukalang batas upang mapakinabangan ng mga magniniyog ang coco levy. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481