Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga taxi, sasailalim na rin sa checkpoint

$
0
0

FILE PHOTO: Taxi

MANILA, Philippines – Sasailalim na rin ang mga taxi sa random checkpoint ng Philippine National Police (PNP) bukod sa mga motorsiklo.

Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Carmelo Valmoria, ito ay dahil na rin sa mga holdapping incident na mismong ang mga driver ng taxi ang sangkot sa krimen.

“Paumanhin natin sa mga passengers at commuters kapag nag-random checkpoint sa mga taxi.”

Sinabi pa ni Valmoria na kasama sa isasagawa nilang checkpoint ang pangungumusta sa kalagayan ng pasahero.

“Bubuksan yun at tatanungin natin yung passenger kung wala bang problema at yung driver at tsaka bubuksan natin yung trunk ng sasakyan, kasi may mga instances na sa trunk nagtatago ang kasama,” saad pa ng opisyal.

Paalala rin ni Valmoria sa mga pasahero na agad kopyahin ang mga impormasyon ng taxi na makikita sa gilid ng pintuan at i text sa mga kamag-anak o kapamilya.

“I-text nyo yung taxi name, yung number kasi kahit na nakuha nya yung cellphone ay may lead na tayo.”

Huwag ding kalimutang i-lock ang mga pinto upang wala ng ibang makasakay at hindi mabiktima ng “Ipit-Taxi Gang”.

Idinagdag pa nito na huwag payagan ang driver na ibahin ang ruta ng inyong dinadaanan lalo na kung tumatahak ito sa madidilim na lugar. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes