UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/15/14) – Panibagong Low Pressure Area na naman ang namataan ng PAGASA sa layong 780km sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa weather agency, sa loob ng 24-48 hrs ay maaaring makaapekto ito sa bansa lalo na sa Eastern Visayas o sa Eastern Mindanao.
Sa ngayon ay umiiral parin ang Tail-end of a cold front na siyang nakaaapekto sa Luzon.
Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Aurora, Quezon, mga rehiyon ng Bicol, CARAGA at Davao.
Makararanas din ng mahinang pag-ulan ang Metro Manila, Rizal, Laguna at iba pang lugar sa Central Luzon habang ang iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms.
Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng La Union, Ilocos, Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela at Aurora dahil sa taas ng mga pag-alon na aabot sa 4.5meters. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.13am
SUNSET – 5.28pm