UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 12/16/14) – Makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Samar, Leyte, Caraga at Davao region dahil sa Low Pressure Area na nasa 220km sa Silangan ng Surigao City.
Ayon sa PAGASA, sa loob ng 24hrs ay posibleng dumikit pa ito sa bansa subalit maliit naman ang tsansa na ito ay maging bagyo dahil naaapektuhan ito ng Amihan o Northeast Monsoon.
Dahil naman ng Tail-end of a cold front ay makakaranas din ng light to moderate rains ang Central Luzon habang ang Amihan ay magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley at Ilocos Region.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.
Mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng pangasinan, La Union, Ilocos, Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan at Isabela dahil sa taas ng mga pag-alon na aabot sa 4.5meters. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.13am
SUNSET – 5.29pm