Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Low Pressure Area, nasa 120km sa Silangan ng Zamboanga City

$
0
0
satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

 

UNTV GEOWEATHER CENTER (5pm, 12/17/14) – Maulap ang malaking bahagi ng Mindanao dahil sa Low Pressure Area na nakaaapekto sa lugar.

Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa layong 120km sa Silangan ng Zamboanga City.

Maghapon itong nagdulot ng mga pagulan sa mga lugar sa Mindanao subalit ayon sa weather agency maaaring malusaw na ito sa mga susunod na oras.

Bukod sa LPA ay umiiral din ang Tail-end of a cold front na siyang nakaaapekto sa Northern at Central Luzon habang ang Amihan naman ay nakaaapekto sa dulong Hilagang Luzon.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Mindanao, Bicol Region, Eastern Visayas at mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Batanes, Babuyan at Calayan group of islands, Cordillera, Ilocos Region, the rest of Central Luzon, at the rest of Cagayan Valley.

Ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng papulopulong pag-ulan at thunderstorms.

Mapanganib na pumalaot sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon. (Rey Pelayo /UNTV News)

SUNRISE – 6.14am

SUNSET – 5.30pm


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481