Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Rehabilitasyon ng NAIA 1, maaantala hanggang Mayo 2015

$
0
0

FILE PHOTO: NAIA Terminal 1 Departure Area in June 15, 2005. (CREDITS: John Paul Solis)

MANILA, Philippines – Ilang ulit na ring tinawag na “worst airport” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa hindi magandang serbisyo sa mga pasahero.

Sa ngayon ay nasa pang-apat na pwesto ang Pilipinas sa itinuturing na ‘world’s worst airport’ batay sa travel website na “The Guide to Sleeping in Airports”.

Ito ay dahil sa rehabilitasyon na isinagawa sa NAIA Terminal 1 na sinimulan noong Enero 2014.

Ngunit ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), maaantala ng tatlong buwan ang rehabilitasyon ng NAIA Terminal 1 dahil sa problema sa delivery ng mga equipment na gagamitin.

Mula Enero, inaasahang sa Marso 2015 pa makukumpleto ang isinasagawang rehabilitasyon sa paliparan.

Sa ngayon ay nasa 40% pa lamang ang natatapos sa rehabilitasyon at inaasahang sa Enero ay aabot na ito sa 60% at 95% sa buwan ng Marso.

“Maraming malalaking equipment ang inimport ng contractor dito na na-delay ng konti maging yung pag-alis sa custom na-delay,” paliwanag ni Vicente Guerzon, Asst. General Manager ng MIAA.

Marami pa sa mga pasilidad sa airpport ang hindi pa nagagamit gaya ng escalator.

Kabilang rin sa mga isinasaayos ang kisame, mga ilaw, floorings, air-conditioning unit, waiting area at immigration counters.

Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, sa ngayon ay mayroon nang improvement sa mga comfort room na madalas inirereklamo ng mga pasahero.

“For me it is nice and I think for anybody else its much better, and I think we could still improve on the interior by working with interior designer but structurally and basic components of a good airport is there,” anang kalihim.

Subalit may reklamo pa rin ang ilang pasahero.

Reklamo ng pasaherong si Amor Tolero, “walang masyadong upuan, ang CR malayo di ko alam.”

“Walang makainan sa loob, yan ang kulang dito compare sa mga airport accessible lahat,” pahayag naman ni Angelito Heraldo.

Nilinaw naman ng DOTC na ang rehabilitasyon ay sa structural integrity lamang at hindi upang palakahin ang carrying capacity ng NAIA 1.

Tiniyak rin ng DOTC na bago maidaos ang malalaking event sa bansa gaya ng APEC Summit ay tapos na ang rehabilitation project sa paliparan.

Samantala, inaasahan na tataas ng 3% ang dami ng mga pasahero sa NAIA Terminal 1 ngayong taon dahil sa dumaraming bilang ng mga dayuhang bumibisita sa bansa.

Kasabay nito ay paiigtingin naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong holiday season. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481