Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pork barrel scam whistle-blowers, ilalagay sa Witness Protection Program ng pamahalaan

$
0
0
“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP.” — DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP.” — DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan ang mga whistle-blower sa umano’y pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mambabatas.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, mainit ang sitwasyong kinalalagyan ng mga testigo lalo na at malalaking personalidad ang idinadawit sa isyu.

Dati na rin umanong nag-alok ng proteksyon ang pamahalaan subalit tinanggihan ito ng whistleblower na si Benhur Luy.

“I advised sina Benhur through their counsel to be placed under WPP as soon as possible so anytime they will be covered by WPP,” ani De Lima.

Tumanggi rin si De Lima na kumpirmahin ang pagkakadawit sa isyu ng ilang senador at kongresista dahil isasagawa pa ang imbestigasyon.

“Hindi pa kami makakapagsabi sa ngayon kung sino sa mga pangalan ang tunay na nakinabang din dyan sa mga alleged scams na yan na nakipag-kutsaba with JLN,” pahayag pa ng kalihim.

Una nang idinetalye ng testigo sa kanyang sinumpaang salaysay ang umano’y bilyong pisong pondo ng pork barrel na napunta sa ghost projects sa pamamagitan ng pag-manipula ng JLN Corporation na pagmamay-ari ni Janet Lim Napoles. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481