Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga mambabatas na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects, dapat mag-leave of absence — Sen. Santiago

$
0
0
Si Senator Miriam Defensor Santiago habang iniisa-isa ang mga senador at kongresista na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects gamit ang mga pork barrel nito. (UNTV News)

Si Senator Miriam Defensor Santiago habang iniisa-isa ang mga senador at kongresista na sangkot umano sa multi-billion-peso ghost projects gamit ang mga pork barrel nito. (UNTV News)

 

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang kanyang mga kapwa-mambabatas na maghain muna ng leave of absence matapos masangkot sa isyu ng multi-bilyong pisong ghost projects.

Tinukoy ng senadora na sangkot sa isyu sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Senators Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Ferdinand ‘Bong-Bong’ Marcos at Gregorio Honasan.

Ayon kay Santiago, kailangang bigyang-daan ang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan sa likod ng isyu.

“Not only the senators but also the representatives, they must go on leave of absence not as an admission of guilt but as a courtesy to Filipino public so that the process can proceed unhampered.”

Iminungkahi rin ng senadora kay Pangulong Benigno Aquino III na bumuo ng isang special panel na pangungunahan ng tatlong prosecutor na pawang dating Supreme Court justices upang imbestigahan ang transaksyon.

“Dapat si President Aquino today should form a special panel of prosecutors concerning plunder cases including and primarily this one, ang lalake ng halaga, plunder yun.”

Samantala, tinawag naman ni Sen. Revilla na demolition job at maagang pamumulitika ang isyu, lalo’t una nang lumabas ang umano’y plano nitong pagtakbo sa 2016 elections katambal si Senador Bong-Bong Marcos.

Tiniyak naman nina Senador Enrile at Honasan na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481