Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pamimigay ng Performance-Based Bonus sa mga guro, matatapos ngayong Disyembre — DepED

$
0
0

Department of Education Secretary Armin Luistro (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Education (DepED) na matatapos ngayong Disyembre ang pamamahagi ng Performance-Based Bonus (PBB) sa lahat ng mga pampublikong guro sa bansa.

Ayon kay DepED Sec. Armin Luistro, may mga nauna nang nakatanggap ng bonus sa mga malalaking rehiyon gaya ng National Capital Region at Region 4A.

“Nag-uumpisa na nilang tanggapin, siyempre hindi yan sabay-sabay. May mga region na nauuna,” anang kalihim.

“We were ask to prepare the payroll, tapos ang sabi sa amin as of yesterday ida-download na nga sa mga accounts yung mga kaperahan ng mga teachers,” saad naman ni Dr. Thelma Co, ang Principal ng Cubao High School.

Ayon sa DepED, makatatanggap ang mga guro ng mula P5,000 hanggang P35,000 depende sa kanilang performance.

“Hindi pantay-pantay yan depende yan sa kanilang performance during the past year. Merong makatatanggap na pinakamalaki na P35,000,” paliwanag pa ni Sec. Luistro.

Samantala, kaninang umaga ay nagpaabot ng pakikiramay ang DepED, kasama ang ilang estudyante sa embahada ng Pakistan kaugnay sa pagkamatay ng mahigit sa 130 estudyante ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Ayon sa ulat, nilusob ng mga armadong militanteng Taliban ang isang paaralan doon at pinagbabaril ang mga estudyate kasama ang ilang mga guro.

“Gusto ko ring dalin yung mga estudyante natin para malaman nila na yung mga Pilipinong estudyante nakikiramay rin,” pahayag pa ng kalihim. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481