Sunrise sa Mer Grande, Davao City kaninang 5.41am. Ito ay isa pinaka-sikat na beach sa lungsod kung saan matatanaw mula dito ang Mt. Apo. / PANAHON: isolated rain showers and thunderstorms / Photo Credit: Dante Amento- Correspondent, Mindanao
UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/23/14) – Pahina na ang Tail-end of a Cold front subalit makararanas parin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Bicol region, Samar at Leyte.
Mahinang pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon habang papulopulong pag-ulan din ang inaasahan sa iba pang lugar sa Northern at Central Luzon.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms.
Mapanganib namang pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern at Southern Luzon maging sa Silangang baybayin ng Central Luzon. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.17am
SUNSET – 5.32pm
Maulap na panahon at malamig na simoy ng hangin ang nararanasan ngayon sa Lipa City, Batangas. Makikita sa Larawan na kuha kaninang 6.26am ang pinagmamalaking Mt. Maculot sa bayan ng Cuenca, Batangas. / PANAHON: Isolated rain showers and thunderstorms / Photo credit: Vincent Octavio
Partly cloudy sky sa Plaza sa Calamba, Laguna na kuha kaninang 6.17am. Makikita sa larawan ang monumento ng bayaning ni Jose Rizal. / PANAHON: isolated rain shower and thunderstorms / Photo Credit: Sherwin Culubong – Senior Correspondent, Laguna
Cloudy sky at Camaligan, Camsur taken at 6.55am / PANAHON: Light to Moderate rain showers and thunderstorms / Photo Credit: Allan Manansala – Senior Correspondent, Bicol